DepEd, pinatatanggal na ang plastic barriers sa face-to-face classes

Pinatatanggal na ang plastic barriers sa mga paaralan na kabahagi sa limitadong face-to-face classes sa dahil lalo lamang umano itong makasasama sa halip na makatulong.

Tinukoy ng DepEd ang ilang pag-aaral ng mga eksperto na nagsasabing maaaring makasagabal lamang sa daloy ng hangin ang mga ito.

“One of the inputs from the DOH is there are also findings that putting up these barriers sometimes it impedes air circulation, and second it also increases surface area that may be contaminated, increases the surface area for disinfection,” pahayag ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa panayam ng ABS-CBN News Channel.

“These have already been provided to the ground. I think some of them have been dismantling this as part of precaution,” dagdag pa ni Malaluan.

Samantala, nasa 117 pang pampublikong paaralan ang makikibahagi sa pilot implementation ng limitadong face-to-face classes simula December 6, ayon sa DepEd.

Ayon kay Malaluan, ang in-person classes ay limitado lang sa tatlong oras para sa kindergarten at apat na oras naman para sa higher grades.

(Toni Tambong)

The post DepEd, pinatatanggal na ang plastic barriers sa face-to-face classes appeared first on News Patrol.



DepEd, pinatatanggal na ang plastic barriers sa face-to-face classes
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments