Pumalo na sa 2,830,387 ang kumpirmadong kaso ng mga nagkasakit sa bansa matapos makapagtala ng 863 ang Department of Health (DOH) ng panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.
Ito ang ikalawang pinakamababang new daily cases na naitala ngayon taon, ang huli ay nito lamang Nov. 16 kung saan 841 ang naitala.
Sa ngayon naman, 791 na gumaling at 142 ang namatay.
Ito rin ang ikatlong araw na sunud-sunod na mababa sa 1,00o ang naitalang bilang ng mga nahawahan ng virus.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa nasa 17,853 (0.6%) ang aktibong kaso.
Nasa 2,764,517 (97.7%) na ang gumaling at 48, 017 (1.70%) naman ang namatay.
Ayon sa DOH na may 128 kaso ang dating na-tag na gumaling na ngayon ay na-reclassify na namatay matapos ang final validation.
Ang positivity rate ay nasa 2.5% base sa samples collected mula sa 38,998 indibidwal noong Miyerkoles, Nov. 24.
Sa pinakabagong ulat ng DOH, may dalawang laboratoryo ang hindi operational noong November 24, 2021 at dalawang laboratoryo rin ang hindi nakapagsumite ng datos sa a COVID-19 Document Repository System (CDRS).
(NP)
The post 863, naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Nov. 26; ikalawang pinakamababa ngayong taon appeared first on News Patrol.
863, naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Nov. 26; ikalawang pinakamababa ngayong taon
Source: Trending Filipino News
0 Comments