Nagbitiw na sa kanyang regional party na Hugpong Ng Pagbabago (HNP) si Davao City mayor Sara Duterte-Carpio.
Ayon kay Anthony Del Rosario, secretary general ng HNP, isinumite ni Duterte-Carpio ang kanyang resignation bilang chairperson ng partido kaninang umaga.
Sa kanyang resignation letter, sinabi ni Duterte-Carpio na nalulungkot siya sa kanyang pagbibitiw sa Hugpong.

“It is with profound sadness that I hereby tender my resignation from our beloved party. My support will always be with you and I will always be grateful for all the things you have taught me.”
Nito lang nakaraang Martes, umatras si Duterte-Carpio sa pagtakbo para sa ikatlong termino bilang mayor ng Davao City.
Pinalakas ng insidente ang matagal nang haka-hakang pambansang posisyon ang talagang target ng anak ng pangulo at hahabulin ang deadline ng susbstitution ng mga kandidato sa Nov. 15, gaya ng ginawa ng kanyang ama noong 2016.
Nasa Balesin Island sa Quezon province ngayon si Duterte-Carpio upang dumalo umano sa birthday ni House Speaker Lord Allan Velasco.
Inaasahang naroroon din ang iba pang mga pulitikong kaalyado ng mga Duterte.
(NP)
The post Davao City Mayor Sara, nagbitiw na sa sariling partido HNP appeared first on News Patrol.
Davao City Mayor Sara, nagbitiw na sa sariling partido HNP
Source: Trending Filipino News

0 Comments