(Photo courtesy: Mayor Inday Sara Duterte FB)
Umatras na si Mayor Sara Duterte-Carpio sa muling pagtakbo bilang alkalde ng siyudad sa 2022 elections.
Sa pahayag sa Facebook post, sinabi ni Duterte-Carpio na papalit bilang kandidato sa pagka-alkalde ay ang kanyang kapatid na si incumbent Vice Mayor Baste Duterte.
“Ngayong hapon wini-withdraw ko ang aking kandidatura sa pagka-Mayor ng Davao City. Si VM Baste ang papalit sa akin. Si Atty. Melchor Quitain ang nominado namin sa pagka-bise alkalde. Ito lamang po muna. Maraming salamat po,” pahayag ni Duterte-Carpio.

(In photo: Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio iniatras ang muling pagtakbo sa pagka-alkalde)
Bago ito, inanunsyo rin ni Baste na iniurong niya ang kaniyang reelection bid sa pagkabise-alkalde ng Davao City.
“I have filed my withdrawal as vice mayor candidate of Davao City. I hereby nominate Atty. Melchor Quitain Jr. as my substitute,” pahayag ni Baste Duterte.
Si Mayor Sara ang nangunguna sa survey para sa pagkapresidente.
Matatandaang sinabi ni Duterte-Carpio na napagkasunduan nila ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na isa lamang sa kanila ang tatakbo sa darating na 2022 national elections.
Naunang sinabi ni Pangulong Duterte na siya ay tatakbong vice president pero noong Oktubre, nasorpresa ang publiko nang sabihin niyang magreretiro na siya sa pulitika.
Sinabi pa ng pangulo na ang kanyang anak na si Mayor Sara ay puwedeng tumakbo bilang presidente at ang running mate ay si Senador Christopher “Bong” Go.
(NP; with report from Toni Tambong)
The post Davao City Mayor Sara Duterte umatras na sa pagtakbong alkalde appeared first on News Patrol.
Davao City Mayor Sara Duterte umatras na sa pagtakbong alkalde
Source: Trending Filipino News
0 Comments