Alert level system sa buong bansa inaprubahan na ni Pangulong Duterte

(File photo)

Ipatutupad na sa buong bansa ang Alert Level System para sa COVID-19 response.

Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 151, Huwebes,  November 11.

Base sa Executive Order No. 151, ang pagpapatupad ay isasagawa sa apat na phases.

Nasa ilalim ng first phase ang mga lugar kung saan ipinatutupad na ang alert levels kabilang ang Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), at Western Visayas.

Sa ilalim ng Phase 2, kabilang ang Ilocos Region, Eastern Visayas at Soccsksargen.

Nasa Phase 3 ang Cagayan Valley, Bicol Region at Zamboanga Peninsula.

Ang Phase 4 ay kinabibilangan ng Cordillera Administrative Region (CAR), Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan), Caraga at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Samantala, nakasaad pa rin sa EO na ang paglilipat sa phase 2 ay maaaring ipatupad anumang oras, o sa bisa ng pagtatakda ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Magsisimula naman ang mga susunod na yugto kada linggo hanggang sa full nationwide ang pagpapatupad.

Ang five-tier alert level ay inilunsad sa National Capital Region noong September 16 para ibalanse ang pangangalaga sa kalusugan publiko kasabay ang pagbangon ng ekonomiya.

Narito ang five levels alert level system, kung saan ang Alert Level 5 ay katumbas ng enhanced community quarantine (ECQ):

Alert Level 1 – ang COVID-19 transmission sa isang lugar ay mababa gayundin ang total bed utilization rate at intensive care unit utilization rates.

Alert Level 2 – ang COVID-19 transmission sa isang lugar ay bumababa gayundin ang healthcare utilization, ngunit ang bed utilization rate at intensive care unit utilization rates ay tumataas

Alert Level 3 – ang COVID-19 transmission ay mataas o tumataas at ang total bed at ICU utilization rates ay tumataas din.

Alert Level 4 – ang COVID-19 transmission ay mataas o tumataas at ang total bed at ICU utilization rates ay mataas din.

Alert Level 5 – ang pinakamataas na alert level kung saan ang COVID-19 transmission ay nakakaalarma at ang total bed at ICU utilization rates ay nasa kritikal.

(NP; with report from Toni Tambong)

 

The post Alert level system sa buong bansa inaprubahan na ni Pangulong Duterte appeared first on News Patrol.



Alert level system sa buong bansa inaprubahan na ni Pangulong Duterte
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments