Natukoy ang panibagong 426 na kaso ng Delta variant sa sequencing na ginawa ng Philippine Genome Center.
Nadagdagan din ng 18 ang Beta variant at 10 kaso ng Alpha variant.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 7,038 na Delta variant sa bansa at umabot naman sa 3,595 ang Beta variant, samantalang ang Alpha ay naitala sa 3,139.
Ang mga nasabing bilang ay mula sa 20,561 na mga sample ng mga nagpositibo sa COVID-19 matapos na sumailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center.
Sa bilang na ito, 18,383 o 89.41 percent ang nakitaan ng lineage.
Kasama na rito ang 506 samples na nakolekta noong March, April, September, October at November 20.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, karamihan sa mga sample na na- sequenced ay mula sa NCR na sinundan ng Region 4A, 2, 3,CAR at 11.
Ang 1,179 o 5.73 percent na samples ay mula naman sa incoming international travelers na na-sequenced. Mula sa bilang na ito ay mayroong 811 na nagpositibo sa nasabing variant of concern.
(Jocelyn Domenden)
The post 426 na Delta variant, natukoy sa panibagong sequencing ng Phil. Genome Center appeared first on News Patrol.
426 na Delta variant, natukoy sa panibagong sequencing ng Phil. Genome Center
Source: Trending Filipino News
0 Comments