Nakapagtala ang Department of Health ng 2,656 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.
Sumampa na sa 2,800,621 ang kabuuang kaso ng mga nagkasakit sa bansa.
Ito na ang ikalawang araw na pumalo sa mahigit 2,000 ang kaso ng mga nahawaan ng virus.
Mayroon namang naitalang 5,130 na gumaling at 154 ang pumanaw.
Sa kabuuang bilang, naitala sa bansa ang 34,866 (1.2%) aktibong kaso na pinakamababang naiulat mula noong March 2.
Nasa 2,721,516 (97.2%) ang gumaling, at 44,239 (1.58%) naman ang ang namatay.

Ayon sa pinakabagong ulat ng DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 4, 2021 habang may walong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa a COVID-19 Document Repository System (CDRS).
(NP)
The post 2,656 new COVID-19 cases, naitala ngayong araw, Nov. 6 appeared first on News Patrol.
2,656 new COVID-19 cases, naitala ngayong araw, Nov. 6
Source: Trending Filipino News
0 Comments