Naitala ng Department of Health (DOH) ang 1,974 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong Huwebes, November 11.
Dahil dyan ay umakyat na sa 2,811,248 ang kabuuang bilang ng kaso sa bansa.
Samantala, may naitala namang aktibong kaso ngayon na 28,660 o 1 percent ng kabuuang kaso sa bansa.
Ito na ang pinakamababang bilang ng active cases o kasalukuyang maysakit sa loob ng walong buwan mula noong February 22, kung saan mayroong 28,500 na kaso.
Mayroon namang naitalang 2,388 na gumaling at 142 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 97.4% (2,737,722) na ang gumaling, at 1.60% (44,866) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 9, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

The post 1,974 Covid-19 cases, naitala ngayong Nov. 11 appeared first on News Patrol.
1,974 Covid-19 cases, naitala ngayong Nov. 11
Source: Trending Filipino News
0 Comments