(File)
Naghahanap pa ang Department of Health ng 160,000 volunteers para sa gagawing tatlong araw na national vaccination drive ng gobyerno.
Ang Nationa vaccination drive ay itinakda sa November 29 hanggang December 1.
Kailangan ng DOH ng health screeners, vaccinators, post-vaccination monitoring personnel, health educators, registration personnel, data consolidators at encoders, ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Dagdag pa ni Vergeire, kailangan din ng 30,000 vaccination teams na binubuo ng lima hanggang anim na indibidwal.
Dahil dito, nanawagan ang DOH sa mga medical societies na tulungan ang gobyerno para sa gagawing national vaccination drive.
“Kaya nananawagan po tayo sa ating mga medical societies, nanawagan po tayo sa mga eskwelahan, medical schools, nursing schools, and the other healthcare workers schools kung maari po, magtulungan po tayo,” pahayag ni Vergeire.
Paliwanag ni Vergeire, hindi lamang ito para sa gobyerno kundi para na rin sa publiko.
Kapag marami na kasi ang protektado laban sa sakit, ay patuloy na mapapababa na ang mga mahahawahan ng virus.
(Jocelyn Domenden)
The post 160K volunteers para sa national vaccination drive, kailangan ng DOH appeared first on News Patrol.
160K volunteers para sa national vaccination drive, kailangan ng DOH
Source: Trending Filipino News
0 Comments