Nananatiling nasa mahigit isang libo na lang ang kaso ng Covid-19 sa bansa ngayong araw.
Ngayong Huwebes, November 18, nagtala ang Pilipinas nang 1,297 na panibagong kaso ng Covid-19.
Base sa datos ng Department of Health, ito na ang pang walong araw na mas mababa sa dalawang libo ang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Sa kabuuan, umakyat na sa 2,821,753 ang kabuuang bilang ng mga kaso sa bansa.
Nasa 23,158 o 0.8 percent naman ang aktibong kaso, ayon pa rin sa DOH.
Mayroon namang naitalang 1,956 na gumaling at 305 na pumanaw.
Ito rin ang ikalawang magkasunod na araw na nasa mahigit 300 ang namamatay dahil sa virus.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 16, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Samantala, sinabi naman ng DOH na nakikipag-coordinate na sila sa Epidemiology and Surveillance Units para masigurong updated ang impormasyon.
“Of the 305 reported deaths, only 36 occurred in November 2021. 44% of the reported deaths today occurred in October 2021 while 35% occured in September 2021 due to late encoding of death information,” sabi pa ng DOH.
(NP)

The post 1,297 Covid-19 cases, pang walong araw nang mas mababa sa 2,000 appeared first on News Patrol.
1,297 Covid-19 cases, pang walong araw nang mas mababa sa 2,000
Source: Trending Filipino News
0 Comments