(File photo)
Aabot sa halos 28,000 quarantine violators ang naitala sa National Capital Region (NCR), tatlong araw matapos ipatupad ang COVID-19 Alert Level 3, ayon sa Philippine National Police, Martes, Oktubre 19.
Sa kabuuan ay umabot sa 27,940 violators ang naitala sa Metro Manila mula Oktubre 16 hanggang 18.
Nito lamang Lunes, Oktubre 18, ay nakapagtala ng 8,926 violators.
Sa mga pasaway, 57% sa kanila ang binalaan, 35% ang ipinagmulta, habang 8% ang naharap sa ibang parusa, ayon pa sa PNP.
Nasa 20,434 violators ang lumabag sa minimum public health standards gaya ng pagsuot ng face mask.
Umabot sa 7,337 violators ang lumabag sa curfew.
Nasa 169 naman ang nahuli sa labas na hindi naman authorized persons outside residence (APORs).
Tatagal ang Alert Level 3 hanggang Oktubre 31 bago mag-anunsyo ng paniabagong alert status.
(Toni Tambong)
The post Violators sa unang tatlong araw ng Alert Level 3 sa NCR, umabot sa 28,000 appeared first on News Patrol.
Violators sa unang tatlong araw ng Alert Level 3 sa NCR, umabot sa 28,000
Source: Trending Filipino News
0 Comments