(File photo)
Itinutulak ng Department of Transportation (DOTr) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na aprubahan ang pagdagdag ng kapasidad sa public utility vehicles (PUVs) ng mga pasahero.
Ito ay matapos ibaba ang National Capital Region sa alert level 3.
Giit ni DOTr Assistant Secretary Steve Pastor sa press briefing na dapat taasan na ang kapasidad sa mga pampublikong sasakyan para makasabay sa dagsa ng mga indibidwal dahil sa alert level 3.
Sa ngayon kasi nasa 50 porsyento ang kapasidad na ipinatutupad.
“Tinitignan natin na magtaas ng seating capacity sa public transportation. Bilang tugon sa lumalaking gastusin sa day-to-day operations ng ating operators, and at the same time, this will also address ‘yung matagal na hinihiling ng ating mga kasamahan sa business sector na dapat mas mapalago ang economic activities,”pahayag ni Pastor.
“The increase will be significant. I cannot give the exact figure at this point in time. Sa puntong ito ay inaaral po natin itong mabuti at kumukuha po kami ng relevant data from studies and journals to back up this proposed increase para matulungan po natin ang mga operators and drivers,” paliwanag ni Pastor.
(Toni Tambong)
The post DOTr, itinutulak ang dagdag kapasidad sa mga pampublikong sasakyan appeared first on News Patrol.
DOTr, itinutulak ang dagdag kapasidad sa mga pampublikong sasakyan
Source: Trending Filipino News
0 Comments