SWS: Net satisfaction rating ni Pangulong Duterte bumaba nang 10 puntos

(Photo courtesy: SWS FB)

Bumaba ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte nang 10 puntos mula 62% noong June sa 52% nitong September.

Ayon ito sa pinakabagong Social Weather Stations survey na isinagawa nitong September 12-16, 2021.

Sa nasabing survey, nasa 67% ng Pilipino ang satisfied; 11% ang undecided; at 15% ang dissatisfied kay Pangulong Duterte.

Kung susumahin, nakakuha ang Presidente ng net satisfaction rating na +52 (% satisfied minus % dissatisfied) na maituturing pa ring mataas na marka.

Ayon sa ilang analysts, sa kabila ng kahirapan dahil sa COVID-19 pandemic, nananatiling malakas ang “support base” ng pangulo.

Sa kabila nito, ito na ang kanyang ikalawang pinakamababang satisfaction rating buhat noong nakakuha ng +45 noong June 2018.

Ang survey ay may 1,200 adult respondents, 18 anyos pataas.

(Toni Tambong)

The post SWS: Net satisfaction rating ni Pangulong Duterte bumaba nang 10 puntos appeared first on News Patrol.



SWS: Net satisfaction rating ni Pangulong Duterte bumaba nang 10 puntos
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments