(File photo)
Paiikliin na ang oras ng curfew sa Metro Manila simula bukas, Miyerkules, October 13, ayon kay Metro Manila Council (MMC) chairman at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez.
“Starting October 13, 12 midnight to 4 am. unified curfew in Metro Manila,” ayon kay Olivarez sa ipinadalang text message sa Inquirer.net.
Sa kasalukuyan, ang oras ng curfew ay mula 10 pm hanggang 4 am.
Ayon kay Olivarez, ang pagbabago sa oras ng curfew ay dahil sa bumababang kaso ng COVID-19 at health care utilization rate.
Dagdag pa ni Olivarez, paraan din ito para matulungan ang mga negosyante at manggagawa sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya na lubos na naapektuhan ng pandemya.
Pagbabago sa alert level
Samantala, magpupulong naman ang Inter-Agency Task Force (IATF) para pag-aralan kung ibababa ang alert level na ipinatutupad sa National Capital Region (NCR).
Kasalukuyang nakataas ang alert level 4 sa NCR hanggang October 15.
Ayon pa kay Olivarez, nakahanda ang lahat ng local government units (LGUs) kung anong alert level classification ang ibibigay ng IATF.
(NP)
The post Pinaikling curfew hours mula 12 mn hanggang 4 am, ipatutupad sa NCR simula Oct. 13 appeared first on News Patrol.
Pinaikling curfew hours mula 12 mn hanggang 4 am, ipatutupad sa NCR simula Oct. 13
Source: Trending Filipino News
0 Comments