Pilipinas, ika-pitong pinakadelikadong bansa para sa mga mamamahayag, ayon sa media watchdog

(Photo courtesy: Committee to Protect Journalists FB)

Kabilang pa rin ang Pilipinas sa mga pinakamalalang bansa pagdating sa ‘unsolved killings’ ng mga mamamahayag, ayon sa Committee to Protect Journalists’ (CPJ) Global Impunity Index 2021.

Base sa ulat ng CPJ, ika-pito ang Pilipinas mula sa 12 bansa na may hindi bababa sa 13 unsolved killings ng mga mamamahayag sa loob ng 10 taon.

Nanguna naman sa listahan ang Somalia na may 25 unsolved murders.

Ayon sa media watchdog, nasa unang puwesto ang Somalia dahil sa kaguluhan, political instability at weak judicial mechanisms na nagiging sanhi ng paulit-ulit na karahasan laban sa mga mamamahayag.

Sinundan ito ng Syria, Iraq, South Sudan, Afghanistan at Mexico, base sa ulat mula September 1, 2011  hanggang August 31, 2021.

 

Ika-walo naman ang Brazil, sumunod ang Pakistan, Russia, Bangladesh, at India.

Hindi naman nababahala ang gobyerno ng Pilipinas sa report.

“For the first time, the CPJ made no country specific report on the Philippines unlike in the past when critics feasted on mostly critical observations by CPJ,” pahayag ni Undersecretary Joel Sy Egco, executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

“This can be attributed to our engagement with international bodies such as the CPJ, Reporters Without Borders (RSF) and UNESCO, to name a few,” dagdag pa ni Egco.

Iginiit din ni Egco na ang isyu ng Global Impunity Index ay isyu rin ng Supreme Court na dapat nitong resolbahan.

“The executive department has done its part in immediately investigating each and every killing of media worker in the country and the filing of criminal complaints against the suspects,” paliwanag pa ni Egco.

(Toni Tambong)

The post Pilipinas, ika-pitong pinakadelikadong bansa para sa mga mamamahayag, ayon sa media watchdog appeared first on News Patrol.



Pilipinas, ika-pitong pinakadelikadong bansa para sa mga mamamahayag, ayon sa media watchdog
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments