Mahigit 900K Pfizer vaccines na binili ng gobyerno, dumating sa bansa

(Photo courtesy: PNA)

Dumating kagabi sa Pilipinas ang nasa 973,440 Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine doses na binili ng gobyerno.

Lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Nagpasalamat si Assistant Secretary Wilben Mayor ng National Task Force Against COVID-19 sa United States government sa pagtulong na makabili ng COVID-19 vaccines.

Dagdag pa ni Mayor, ang dumating na Pfizer vaccine doses ay gagamitin sa pagbabakuna ng edad 12 hanggang 17 simula November 3.

“Lahat ng regions ay bibigyan na ng mga bakunang dumarating considering that prepared na rin ang ating mga regions,” ayon pa sa opisyal.

Samantala, sinabi naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na inaasahan pa ng Pilipinas ang 50 hanggang 60 milyong COVID-19 vaccine doses hanggang matapos ang taon.

(Toni Tambong)

The post Mahigit 900K Pfizer vaccines na binili ng gobyerno, dumating sa bansa appeared first on News Patrol.



Mahigit 900K Pfizer vaccines na binili ng gobyerno, dumating sa bansa
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments