(Photo courtesy: Aksyon Libmanan FB)
“Calling from God”.
Ito ang sinabi ng mayoralty aspirant na si Fr. Granwell “Dawe” Pitapit, isang paring katoliko, kaya siya tatakbo sa pinakamalaking bayan sa Camarines Sur sa darating na 2022 elections.
Lalabanan ni Fr. Pitapit ang kasalukuyang alkalde ng Libmanan na si Mayor Bernard Brioso na tatakbo sa ikalawang termino.
Makakatapat din ni Fr. Pitapit sa mayoralty race sina Christian Nonoy Alvaro na pambato ng Kilusang Bagong Lipunan at Jesus Camara ng PDP-Laban.
Si Fr. Pitapit ay 20 taon nagserbisyo bilang pari.
Kahapon, Oct. 8, naghain siya ng kanyang COC sa pagka-alkalde sa kaniyang partidong Aksyon Libmanan.
Kilala si Fr. Pitapit sa kaniyang nagawa sa mga mahihirap na magsasaka, mangingisda, kababaihan at kabataan sa pamamagitan ng kaniyang social action apostolate.
“After months for sabbatical, having more time for prayer and living among lay people, I have had a clarity of mind and peace of soul that God is calling me to pursue something else. Given the critical social situation brought about by the pandemic, there is an intense yearning for me to serve and help directly the people outside the direct authority of the bishop,” pahayag ni Fr. Pitapit.
Ayon sa partido na nakatuon ang kanilang gagawin sa epekto ng pandemya sa ekonomiya, kalusugan at trabaho na sinasabing hindi natugunan ng nakaraang administrasyon sa kanilang bayan.
Bago ang 2019 mid-term elections sa bansa, naglabas na ng babala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga pari laban sa pagtakbo sa halalan.
Pinaalalahanan ng CBCP ang mga pari na ang pagiging elected official o pagtakbo man lang sa halalan ay hindi bahagi ng kanilang mga tungkulin bilang mga alagad ng simbahan.
“The task of a priest is to spread God’s word, guide the faithful. Let us leave the task of serving in government to the laity because if we do that it is as if we have failed in our task if we have to take over the role of the laity,” sabi noon ni Bishop Buenaventura Famadico ng CBCP Episcopal Commission on Clergy.
Hindi si Fr. Pitapit ang unang paring katoliko sa bansa na sumabak sa pulitika.
Matatandaang noong 2007, tumakbo at nanalong gobernador ng Pampanga si Fr. Ed Panlilio ngunit hindi na ulit nanalo nang mga sumunod na halalan.
(NP)
The post Pari sa CamSur, tatakbong mayor; tawag umano ng Diyos ang nagtulak sa kanya appeared first on News Patrol.
Pari sa CamSur, tatakbong mayor; tawag umano ng Diyos ang nagtulak sa kanya
Source: Trending Filipino News
0 Comments