MMC, inaprubahan ang pagsasara ng mga sementeryo mula October 29-November 2

Inaprubahan na ng Metro Manila Council (MMC) ang resolusyon para sa pagsasara ng mga sementeryo at memorial park sa panahon ng Undas, ayon sa  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa resolusyon na ipinalabas ng MMC noong Martes, isasara ang mga  sementeryo, memorial park at mga kolumbaryo sa loob ng limang araw mula October 29 hanggang November 2.

Ang hakbang na ito ay bilang pag-iingat na rin laban sa Covid-19.

“Baka pwedeng ngayon pa lang, pumunta na, para hindi magkahawahan. That is the purpose of this,” ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos sa isang press briefing.

Ang mga sementeryo at memorial parks ay pinapayagan lamang hanggang sa 30-percent capacity limitation, ayon  pa sa resolution.

“As for the conduct of wakes, necrological services, funerals, internment, cremation, and increment during this five-day period, the prescribed guidelines by the Inter-Agency Taskforce for the Management of Emerging Infectious Diseases shall govern,” saad pa sa resolusyon.

Ang MMC ay kinabibilangan ng 17 alkalde sa NCR at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Inaasahang gagawa ng ordinansa at executive orders ang Metro Manila mayors  para maipatupad ang nasabing resolusyon.

Maari din nilang i-adopt ang MMDA Resolution No. 21-22 s. 2021 na naghihigpit ng pagpasok sa mga nasabing lugar mula October  29 hanggang November 2.

Sa kabila ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa, pinaalalahanan pa rin ng Department of Health at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang publiko na sumunod sa pagpapatupad ng minimum public health standards. 

(with reports from Toni Tambong)

The post MMC, inaprubahan ang pagsasara ng mga sementeryo mula October 29-November 2 appeared first on News Patrol.



MMC, inaprubahan ang pagsasara ng mga sementeryo mula October 29-November 2
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments