Mga bakunang Sputnik V at Pfizer na binili ng gobyerno, dumating sa bansa kahapon, October 16

(Photo Courtesy: Screengrab PTV FB)

(Photo Caption: Larawan ng Pfizer Covid-19 vaccines na dumating sa bansa noong October 16, 2021.) 

Dumating sa bansa noong Sabado, October 16, ang mga bakunang kontra-Covid-19 na binili ng gobyerno.

Mayroong 720,000 doses ng Sputnik V at 207, 900 Pfizer COVID-19 vaccines ang parehong lumapag sa Ninoy Aquino International Airport kahapon.

Nagpasalamat naman si National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa sa pamahalaan ng Russia para sa pinakamalaking delivery ng Sputnik V sa bansa.

“We do hope that it will help a lot in our vaccination programs. The other good news is we have reached over 92 million doses delivered to the Filipino people by the different brands,” pahayag pa ni Herbosa.

Ang nai-deliver na Pfizer naman ay ilalaan sa pagbabakuna ng mga edad 12 hanggang 17, ayon kay Herbosa.

“Pfizer and Moderna are the two vaccine brands that are approved for 12 years old and up. We will be using it for our adolescent children’s vaccination,” dagdag pa ni Herbosa.

Maaalalang nagsimula na noong Biyernes sa walong ospital sa Metro Manila ang pilot implementation ng pediatric vaccination o adolescent vaccination para sa mga batang mayroong pre-existing health condition.

(Toni Tambong)

(Photo Caption: Larawan ng Sputnik V Covid-19 vaccines habang inilalabas ng eroplano noong October 16, 2021.) 

The post Mga bakunang Sputnik V at Pfizer na binili ng gobyerno, dumating sa bansa kahapon, October 16 appeared first on News Patrol.



Mga bakunang Sputnik V at Pfizer na binili ng gobyerno, dumating sa bansa kahapon, October 16
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments