Metro Manila mayors, maglalabas ng resolusyon tungkol sa paglabas ng bahay ng mga bata

Maglalabas ang Metro Manila mayors ng isang resolusyon na maglilinaw sa guidelines ng Inter-Agency Task Force Against COVID-19 tungkol sa paglabas ng mga bata mula sa kanilang bahay, ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora.

Ayon kay Zamora, nakasaad sa IATF resolution na ang mga may edad 17 pababa ay pinapayagang lumabas para bumili ng pagkain at gamot, pumunta sa doktor o dentista, mag-exercise at gawin ang interzonal at intrazonal travel.

“Para mas maging malinaw, maglalabas ng pormal na resolution ang MMC (Metro Manila Council) very soon because last time, nagkaroon na nga ho ng kasunduhan,” ayon pa kay Zamora sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo.

Dagdag pa ng alkalde, bawal pa rin ang mga bata sa malls.

“So, saan pwede ang ating mga kabataan? Pwede sila sa outdoor areas, pwede mag-exercise. Kung sakaling kailangang bumili ng pagkain o gamot, pwede,” saad pa ni Zamora.

“Pero hindi pwedeng magdine-in sila because that will already require them to remove their mask and eat among a group of people in a restaurant. So tumataas bigla ang risk dito. Hindi muna naming pinayagan at iyan ay napagkasunduan ng Metro Manila Council,” paliwanag pa ng akalde.

Ayon naman kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, maaari siyang magpatawag ng press briefing sa Lunes, October 18, tungkol sa nasabing resolusyon sa paglabas ng mga bata.

(NP)

The post Metro Manila mayors, maglalabas ng resolusyon tungkol sa paglabas ng bahay ng mga bata appeared first on News Patrol.



Metro Manila mayors, maglalabas ng resolusyon tungkol sa paglabas ng bahay ng mga bata
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments