Malakanyang binati na si Maria Ressa sa pagkapanalo ng Nobel Peace Prize

Tatlong araw na matapos maigawad kay Rappler CEO Maria Ressa ang Nobel Peace Price nang batiin siya ng Malakanyang.

“Binabati po natin si Maria Ressa. It is a victory for a Filipino and we are happy for that,” saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Wala pong utak talangka rito,” dagdag pa ni Roque.

Sa kabila nito, sinabi ni Roque na hindi inaatake ang press freedom sa bansa kung saan ang pagkapanalo pa umano ni Ressa ay ang patunay nito.

“This is not a slap [on the administration]. There is no censorship of the media, and the Nobel Peace Prize proves that,” paliwanag pa Roque.

“A journalist who sees the chilling effect should not be a journalist,” giit pa ni Roque.

Si Ressa na founder ng Philippine news site na Rappler at Dmitry Muratov ay parehong nanalo sa 2021 Nobel Peace Prize matapos na matapang na hinarap ang galit ng lider ng Pilipinas at Russia sa isiniwalat na korapsyon at maling pamamlakad.

Si Muratov ay mabilis na binati sa kanyang panalo ng Russian government kahit pa ito, partikular si president Vladimir Putin, ang target ng kanyang mga batikos.

Ang Nobel Peace Prize ay iginawad kay Ressa at sa Rappler dahil sa pagsisikap na bantayan ang kalayaan sa pamamhayag para sa katatagan ng demokrasya at kapayapaan.

Ang pagkapanalo ni Ressa ang kauna-unahang Nobel Peace Prize ng bansa at una rin sa mamamahayag mula nang manalo noong 1935 ang German na si Carl von Ossietzky.

(Toni Tambong)

 

 

The post Malakanyang binati na si Maria Ressa sa pagkapanalo ng Nobel Peace Prize appeared first on News Patrol.



Malakanyang binati na si Maria Ressa sa pagkapanalo ng Nobel Peace Prize
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments