Mahigit 1M Pfizer doses, dumating sa bansa

(Photo: Screengrab from PTV FB)

Dumating sa Pilipinas ang mahigit sa isang milyong dose ng Pfizer COVID-19 vaccine noong Miyerkoles ng gabi, October 6.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang nasa  862,290 virus jabs bandang alas-8 ng gabi sa sakay ng Air Hong Kong flight LD456.

Agad namang idiniretsyo sa cold-chain storage facility na Pharmaserve sa Marikina City ang mga nasabing bakuna.

Nasa 76,050 jabs o dose naman ang una nang idiniretso sa Cebu bandang 6pm via Air Hong Kong flight LD457, ayon sa National Task Force Against COVID-19.

Ang 77,220 vaccine doses naman ay idiniretso sa Davao City kaninang umaga sa pamamagitan ng Philippine Airlines flight PR 1811.

Dahil dito, umabot na sa 78.42 milyon ang kabuuang bilang ng bakuna na natanggap ng bansa.

Ang kalahati dito ay Sinovac brand ng China.

Ang mahigit isang milyong Pfizer vaccine ay binili ng gobyerno ng Pilipinas.

Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez, Jr na bukod sa delivery kagabi, nasa 1,003,860 pang Pfizer vaccine doses ang inaasahang matatanggap ng Pilipinas sa mga darating na araw.

Gagamitin ang mga nasabing Pfizer vaccine sa pagbabakuna sa mga kabataang edad 12 hanggang 17.

Inaasahang magsisimula na ang pagbabakuna sa mga kabataan sa October 15 kung saan uunahin ang mga kabataang may comorbidities.

(Toni Tambong)

The post Mahigit 1M Pfizer doses, dumating sa bansa appeared first on News Patrol.



Mahigit 1M Pfizer doses, dumating sa bansa
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments