Magkapatid na Dargani ng Pharmally, posibleng nagtatago na, ayon sa Senado

Nabigong mahanap at maaresto kagabi ng office of the senate sgt- at -arms ang magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Ayon kay retired major general Rene Samonte, hepe ng senate sgt-at-arms, hindi na matagpuan ang magkapatid na Dargano sa kanilang ibinigay na tatlong address sa BGC, Taguig at Greenhills, San Juan.

Sabi ni Samonte, sarado na ang kanilang condo units kaya mukhang nagtatago na ang mga ito.

Pero sisikapin pa rin ng OSSAA na mahanap ang kinaroroonan ng mga ito dahil mayroon na umano silang lead.

Nagpasya ang senate blue ribbon committee na ipa contempt at ipaaresto ang magkapatid na Dargani dahil sa ilang beses na bigong isumite ang mga dokumento gaya ng subsidiary ledgers,delivery receipts, letters of credit at iba pa.

Ito ay para patunayan ang cost of sales na nagkakahalaga ng P7.2 billion na nakasaad sa financial statement ng Pharmally.

Sa preliminary report ng senate blue ribbon committee, kasama ang magkapatid na Dargani at iba pang mga opisyal ng Pharmally at PS DBM na irerekomindang pakasuhan ng senado sa ombudsman.

Dapat umanong hingin ng senado ang tulong ng NBI at PNP sa paghahanap sa magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani ayon kay senate minority leader Franklin Drilon.

Ayon kay drilon sa ilalim ng batas, flight is evidence of guilt o ang pagtakas at patatago ay ebidensya ng pagiging guilty.

Pumalag naman ang Malakanyang sa rekomendasyon ng senado na kasuhan ang mga sangkot sa naging transaksyon ng Pharmally at gobyerno.

Ayon kay presidential spokesman Harry Roque, kwentong kutsero ang resulta ng imbestigasyon ng senado.

“Walang ganyang ebidensya. There is no conspiracy,” sabi ni Roque.

 

 

(Estrella Bueno/Toni Tambong)

The post Magkapatid na Dargani ng Pharmally, posibleng nagtatago na, ayon sa Senado appeared first on News Patrol.



Magkapatid na Dargani ng Pharmally, posibleng nagtatago na, ayon sa Senado
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments