Lahat ng NCR LGUs, moderate risk na sa COVID-19, ayon sa OCTA

Moderate risk na lamang sa COVID-19 ang lahat ng 17 local government units (LGUs) sa National Capital Region, ayon sa OCTA Research Group.

Ito ay kasunod na rin ng tuluy-tuloy na pagbaba sa reproduction number ng COVID cases sa rehiyon.

“The NCR and all 17 constituent LGUs were classified as moderate risk using our metrics,” ayon sa ulat ng OCTA.

Nasa 0.60 ang reproduction number sa NCR mula sa 0.61, at ang 7-day average ng bagong kaso mula October 7 hanggang 13 ay bumaba pa sa 1,847 mula 2,140.

Ito ay 30% na mas mababa kumpara sa 7-day average noong isang linggo, dagdag pa ng grupo.

(Table: Dr. Guido David)

Kasabay nito, ang positivity rate naman o dami ng mga nagpopositibo sa COVID-19 mula sa mga isinasailalim sa testing ay nasa 11%  para sa Metro Manila.

Bumaba rin ang healthcare utilization na pumalo sa 49% mula sa 53%.

(Toni Tambong)

 

 

 

 

 

The post Lahat ng NCR LGUs, moderate risk na sa COVID-19, ayon sa OCTA appeared first on News Patrol.



Lahat ng NCR LGUs, moderate risk na sa COVID-19, ayon sa OCTA
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments