(Photo credit: BOC)
Nasamsam ang 278 kilo ng shabu sa magkahiwalay na operasyon sa Angeles City, Pampanga at Dasmariñas, Cavite.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Bureau of Customs (BOC) Manila International Container Port, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Angeles, Pampanga noong Oct. 18.
Hindi naman tinukoy ng BOC ang mga bansang pinagmulan ng nasabing mga iligal na droga dahil sumasailalim pa sa validation ang nakuha nilang mga impormasyon.
Aabot sa 38 kilo na may halagang P260 milyon ang nakuhang shabu sa Pampanga.
Narekober din ang apat na pirasong baril na 45 caliber, 2 cellphones at isang weighing scale.

Ang operasyong ito ay konektado rin sa Oct 16 buy-bust sa Dasmariñas, Cavite kung saan 240 kilos ng shabu ang nakumpiska na may halagang mahigit sa P1.6 bilyon.
(Jocelyn Domenden)
The post 278 kilo ng shabu nasamsam sa Pampanga at Cavite appeared first on News Patrol.
278 kilo ng shabu nasamsam sa Pampanga at Cavite
Source: Trending Filipino News
0 Comments