(File photo)
Nagbitiw sa trabaho ang may 10% ng mga nurse sa mga pribadong ospital sa nagdaang dalawa hanggang tatlong linggo, ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI).
Sinabi ni PHAPI President Jose Rene de Grano sa GMA News na hindi na kayang palawigin pa ng private hospitals ang kanilang COVID-19 capacity dahil kulang na sila sa medical workers na titingin sa mga pasyente.
“Hindi tayo makapag-expand ng ating mga COVID beds kasi limited ang ating mga healthcare workers, especially nurses,” pahayag ni de Grano.
“Kung sabihin mong umalis ‘yung kalahati ng workforce natin, parang binabawasan mo na rin ng kalahati ang bed capacity ng mga hospital,” dagdag pa ni de Grano.
Sinabi rin sa ulat na nagre-resign ang mga nurse sa pribadong ospital upang maghanap ng ‘greener pastures’ sa ibang bansa.
Matatandaang nagsagawa ng kilos-protesta ang grupo ng nurse mula sa pribadong ospital sa harap ng tanggapan ng Department of Health dahil sa hindi pa rin naibigay sa kanila ang ipinangakong benepisyo.
(Toni Tambong)
The post 10% ng nurse sa pribadong ospital, nagbitiw ngayong buwan appeared first on News Patrol.
10% ng nurse sa pribadong ospital, nagbitiw ngayong buwan
Source: Trending Filipino News
0 Comments