Nasa ikalawang araw nang nasa mahigit 20,000 ang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ngayong araw, September 4, nakapagtala ang Department of Health ng 20,741 ng panibagong kaso ng COVID-19.
Muling naitala ang second highest daily tally ngayon at umakyat na rin sa 2,061,084 ang kabuuang kaso ng nahawahan ng Covid-19 sa bansa.
Mayroon namang naitalang 21,962 na gumaling at 189 na pumanaw.
Ayon pa sa DOH, asahan ang posibleng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw.
Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ang nanatiling pinakamabisang depensa sa COVID-19.
Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipag-ugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19.
Makatutulong din ang maagang konsultasyon at pagpapa-test para maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.
Samantala, itinaas ng government experts ang target para makamit ang “herd immunity” mula sa COVID-19.
Mula sa dating 70% ay ginawa itong 90% mula sa kabuuang populasyon dahil na rin sa presensya ng coronavirus variant na nagpapababa sa bisa ng mga bakuna laban.
“Tinataas na po ng mga eksperto natin up to 90% [ang herd immunity target] because of the effect of the efficacy of the vaccines,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa public briefing.
Ayon pa kay Vergeire, ang mga bakuna ay nananatiling epektibo laban malalang sintomas ng sakit at kamatayan.
Dahil sa recalibration na ito, ang Pilipinas ay lalo pang malayo sa tartget na maabot ang “herd immunity.” Sa kasalukuyan ay nasa 12.94% percent lang ng population ang fully vaccinated.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

The post KASO NG COVID-19 SA BANSA, NASA MAHIGIT 20,000 SA DALAWANG MAGKASUNOD NA ARAW appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments