Malaki ang itinaas ng Pilipinas sa pinakabagong COVID-19 recovery ranking ng Nikkei Asia ng Tokyo.
Mula sa ika-103 pwesto noong October, ngayon ay ika-57 na ang bansa sa global ranking. Sinusukat nito ang pagbangon ng mga bansa sa COVID-19 pandemic.
Sa inilabas na ulat kahapon, umakyat ang Pilipinas nang 46 na puwesto kasama ang Tajikistan, Norway, at Malaysia sa ika-57 na pwesto.

(Photo courtesy: Nikkei Asia)
Nitong October, nasa ika-103 pwesto ang bansa sa 120 rehiyon.
Ayon sa Nikkei, ang pagtaas sa ranking ng Pilipinas ay dahil bumuti ang pagkontrol ng bansa sa COVID-19 infections.
Subalit sinabi ng Nikkei na kahit na bumaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa, nananatili sa 9 porsyento ang fatality rate nito na ikalawa sa pinakamataas sa mundo batay sa Our World in Data.
Nanguna naman ang Bahrain sa ranking na may 73 puntos; sinundan ng Kuwait na may 72; United Arab Emirates na may 70.5; Malta at Taiwan na may 69; China na may 68.5 puntos; Chile, Japan, at Saudi Arabia na may 68 puntos; at Uruguay na may 66 puntos.
Nasa dulong puwesto naman ang Laos na may 22.5 puntos.
Batay ang datos ng Nikkei Asia sa Our World in Data; Google COVID-19 Community Mobility Reports; Oxford COVID-19 Government Response Tracker, Cirium, at Nikkei Asia Research.
(Toni Tambong)
The post Pilipinas umakyat sa 57th mula sa 103rd place sa COVID-19 Recovery Ranking ng Nikkei Asia appeared first on News Patrol.
Pilipinas umakyat sa 57th mula sa 103rd place sa COVID-19 Recovery Ranking ng Nikkei Asia
Source: Trending Filipino News
0 Comments