Hindi dahil sa Omicron variant ang bahagyang pagtaas ngayon ng COVID-19 cases sa Metro Manila, ayon sa OCTA Research Group.
Sa halip, bunsod umano ito sa paglabas ng mas maraming tao ngayong holiday season.
Base sa ulat ng OCTA kahapon, Lunes, 27 Dec., tumaas ang COVID-19 positivity rate ng 1.14% mula 1% at reproduction rate ng 0.85 mula 0.70 sa National Capital Region.
Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na premature pa kung isisisi sa Omicron ang pagtaas ng bilang ng COVID.
“So, hindi natin masasabi ngayon na Omicron-driven ito dahil nakita rin naman natin ito last year. Siguro doon sa pagtitipun-tipon ng mga kababayan natin kaya kailangan doble pag-iingat lang naman din ang kinakailangan natin,” paliwanag pa ni David.
Sa datos kahapon, nasa 9,579 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
(Toni Tambong)
The post OCTA: Pagtaas ng COVID-19 cases dahil sa holiday season appeared first on News Patrol.
OCTA: Pagtaas ng COVID-19 cases dahil sa holiday season
Source: Trending Filipino News
0 Comments