Naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, dumoble kumpara kahapon

Umabot na sa 2,837,464 ang kumpirmadong kaso ng mga nagkasakit sa bansa matapos makapagtala ng 582 ang Department of Health (DOH) ng panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Mahigit doble ang bilang ng mga nahawaan ng virus ngayon araw kumpara sa 289 kahapon.

May naitalang 494 na gumaling para sa kabuuang bilang na 2,776,727 (97.9%)

Nasa 74 naman ang nasawi para sa kabuuang bilang na 50,570 (1.78%)

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa nasa 10,167 (0.4%) ang aktibong kaso.

Ayon sa DOH, sa 582 naiulat na kaso ngayon, ang 315 (54%) ay naganap noong December 4-17, 2021.

Ang positivity rate ay 1.0 percent base sa samples na 35,545 indibidwal noong Dec. 15.

Apat na laboratoryo ang hindi operational noong December 15, 2021 at isang laboratoryo naman ang hindi  nakapagsumite ng datos sa a COVID-19 Document Repository System (CDRS).

(NP)

The post Naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, dumoble kumpara kahapon appeared first on News Patrol.



Naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, dumoble kumpara kahapon
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments