Major U.S. stock markets bumaba dahil sa Omicron variant

Bumaba ang stock markets sa U.S. nang average na 1% nitong Miyerkules, December 1, dahil sa pangamba ng investors sa Omicron variant.

Kasabay nito ang kumpirmasyon ng kaso ng naturang COVID-19 variant sa Amerika.

Bumaba ang tatlong major stock market indices sa Wall St.

Ang Dow Jones ay bumaba nang 1.34%, S&P nang 1.18% at ang Nasdaq nang 2.83%

Ayon kay Federal Reserve Chair Jerome Powell, kailangang paghandaan ang inflation o paghina ng halaga ng dolyar laban sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa kalagitnaan ng susunod na taon.

“The market’s grappling with the twin concerns of the Omicron variant, which may or may not be able to evade the vaccine, and a more hawkish Powell than expected,” ayon kay Chris Zaccarelli, chief investment officer ng Independent Advisor Alliance sa Reuters.

Inaasahang magbibigay ang World Health Organization ng bagong impormasyon sa transmissibility ng Omicron variant o gaano ito nakakahawa.

Ayon sa ilang economic strategists, normal lamang ang paggalawa ng stock markets habang kulang pa sa kaalaman tungkol sa bagong COVID-19 variant.

(PSH-NP)

The post Major U.S. stock markets bumaba dahil sa Omicron variant appeared first on News Patrol.



Major U.S. stock markets bumaba dahil sa Omicron variant
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments