Kanselado na ang land travels sa Eastern Visayas simula pa kaninang umaga, 8:00 a.m, maliban sa mga nasa daan na.
Dahil pa rin ito sa banta ng Tropical Storm Rai, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon sa abisong isinumite ng NDRRMC sa Eastern Visayas regional directors at heads, ang saklaw lamang ng suspensyon ng biyahe ay ang mga mula sa Mindanao at Luzon.
Ito ay alinsunod sa paghahanda para sa bagyong “Odette” kapag pumasok na ito sa Philippine area of responsibility (PAR).
Inaasahang sa Martes ng gabi posibleng pumasok ang bagyo sa PAR.
Samantala, patuloy naman ang sea travel hangga’t hindi naglalabas ang otoridad ng temporary suspension of port operations, dagdag ng NDRRMC.
“This action is to prevent the unwanted movement, surge, and build-up of individuals and vehicles in ports and terminals due to the cancellation of sea trips due to unfavorable weather conditions,” saad sa abiso.
Nitong Lunes ay naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng isang memorandum circular na nagsususpinde sa mga biyahe patungong Visayas at Mindanao simula Lunes, 6:00pm.
Gayundin, kanselado ang biyahe patungong Catanduanes at Masbate simula Martes, 9:00am.
“This is to prevent possible damage to both life and property,” ayon pa sa LTO. Maari kasing magkaroon na naman ng stranded vehicles sa Maharlika Highway.
“All suspensions will be automatically lifted once Tropical Depression Wind Signals from said areas are lifted,” sabi naman ni LTO Regional Director Francisco Ranches Jr.
(Toni Tambong)
The post Land travel papuntang Eastern Visayas, kinansela dahil sa banta ng bagyong Odette appeared first on News Patrol.
Land travel papuntang Eastern Visayas, kinansela dahil sa banta ng bagyong Odette
Source: Trending Filipino News
0 Comments