Walang problema para kay Senator Imee Marcos ang muling pagbubukas ng media giant na ABS-CBN.
Ito ay sakaling manalo ang kanyang kapatid na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagka-presidente.
Pero aniya, kailangan munang maresolba ang lahat ng mga isyung kinasasangkutan ng kumpanya.
“To my mind ABS, under the new construct defined by law and all the problems that have been already revealed, once it solves all that, para sa akin walang problemang buksan iyan,” sabi ni Marcos sa ABS-CBN News Channel.
Ayon pa kay Marcos, nakatrabaho na rin naman niya ang isang miyembro ng Lopez family noong siya ay gobernador pa ng Ilocos Norte.
Ayon sa kanya, wala naman silang naging problema.
Nauna nang sinabi ng senadora na pinanatili niyang bukas ang isipan sa panukala na i-extend ang prangkisa ng ABS-CBN sa kabila ng masalimuot na kasaysayan sa pagitan ng pamilya Marcos at Lopez.
Ang ABS-CBN, sa ilalim ni Eugenio “Geny” Lopez Jr., ay ipinasara noong 1972 nang magdeklara ng martial law si Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ama nina Imee at Bongbong.
Nagbukas muli ang ABS-CBN noong 1986 matapos ang EDSA People Power Revolution.
Ngunit nitong July 10, 2020, hindi inaprubahan ng kongreso ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.
(NP)
The post Imee Marcos: Walang problema sa muling pagbubukas ng ABS-CBN sa ilalim ng “Marcos presidency” appeared first on News Patrol.
Imee Marcos: Walang problema sa muling pagbubukas ng ABS-CBN sa ilalim ng “Marcos presidency”
Source: Trending Filipino News
0 Comments