Naitala ng Department of Health (DOH) ang 263 na bagong Covid-19 cases sa bansa ngayong araw, Dec. 20.
Mas mataas ito nang bahagya kaysa naitalang 203 kahapon.
Sa ngayon, nasa 2,837,730 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Mayroon namang naitalang 390 na gumaling at 45 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.3% (9,592) ang aktibong kaso, 97.9% (2,777,354) na ang gumaling at 1.79% (50,784) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, apat na mga laboratoryo ang hindi operational noong December 18, 2021 habang mayroong 13 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Ayon pa sa DOH, huwag maging kampante ang bawat isa sa kabila ng mababang kaso ng Covid-19.
Sa ngayon, nakapagtala na ang bansa ng ikatlong kaso ng Omicron variant.
Paalala ng gobyerno, ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag-physical distancing at maghugas ng kamay.
Hinihikayat din ng gobyerno na magpabakuna na ang lahat para makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.
(NP)

The post 263 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, December 20 appeared first on News Patrol.
263 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, December 20
Source: Trending Filipino News
0 Comments