Patuloy sa pagbaba ang bilang ng Covid-19 cases sa bansa.
Katunayan, ngayong Martes, December 14 ay mahigit sa dalawang daan na lang ang natitalang kaso ng Covid-19.
Ayon sa datos ng Department of Health, mayroong 235 na lamang na karagdagang kaso ng COVID-19.
Ito na ang pinakamababang kasong naitala simula noong May 23, 2020, kung saan nagtala ang DOH ng 185 lamang na kaso.
Dahil dyan, umakyat na sa 2,836,868 ang kabuuang kaso ng nagkasakit ng dahil sa virus sa bansa, kung saan ang aktibong kaso ay nasa 10, 528 o 0.4%.
780 naman ang mga gumaling sa sakit ngayon, na may kabuuang bilang na 2,775,991.
Samantala, 10 naman ang ang namatay, kaya umabot na sa 50,351 o 1.77% ang mga namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 4 mga laboratoryo ang hindi operational noong December 12, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Sa kabila ng pagbaba ng mga nagkakasakit sa bansa, nagpapaalala pa rin ang gobyerno na huwag magpaka-kampante, bagkus ay panatilihing sumunod sa Minimum health protocols.
Ayon sa pahayag ng DOH, ang mga rehiyon na nag-top sa bilang ng mga kaso ay ang NCR, Region 4a at Region 3.
“Of the 235 reported cases today, 228 (97%) occurred within the recent 14 days (December 1 – December 14, 2021). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (53 or 23%), Region 4-A (23 or 10%) and Region 3 (20 or 9%).Of the 10 deaths, 9 occurred in December 2021 (90%), and 1 in October 2021 (10%) due to late encoding of death information to COVIDKaya. This issue is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date.”
(NP)

The post 235 bagong Covid-19 cases, naitala ngayong December 14; pinakamababa mula May 23, 2020 appeared first on News Patrol.
235 bagong Covid-19 cases, naitala ngayong December 14; pinakamababa mula May 23, 2020
Source: Trending Filipino News
0 Comments