Waukesha ‘attacker’, kinasuhan na; isa pa, nadagdag sa mga nasawi dahil sa insidente

(Photo credit: Cheney Orr via Reuters)

Kinasuhan na ng homicide ang lalaking inararo ng kanyang sasakyan ang mga taong nanonood ng tradisyunal na Christmas parade sa Waukesha County, Wisconsin, USA.

Anim na ang kumpirmadong nasawi at mahigit 60 ang nasugatan sa nasabing insidente na nangyari nitong nakaraang weekend.

Ang huling nasawi ay isang batang lalaking walong taong gulang.

Kinilala ang driver ng umararong sasakyan na si Darrel Brooks, 39 anyos.

Pinatawan din si Brooks ng Waukesha county circuit court ng $5 million na piyansa matapos maasunto ng “five counts of first-degree intentional homicide”.

Si Brooks ay agad ding naaresto ng mga pulis malapit lang sa pinangyarihan ng insidente.

Isinantabi na ng mga pulis ang anggulong terorismo sa ginawa ni Brooks.

Ayon sa mga pulis, may criminal history si Brooks sa tatlong states sa US at bago ang insidente sa Waukesha ay nakalalaya lang dahil sa piyansa para naman sa kasong domestic abuse.

(NP)

The post Waukesha ‘attacker’, kinasuhan na; isa pa, nadagdag sa mga nasawi dahil sa insidente appeared first on News Patrol.



Waukesha ‘attacker’, kinasuhan na; isa pa, nadagdag sa mga nasawi dahil sa insidente
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments