Ngayong November 16, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 849 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Ito na ang pinakamababang bilang ng kasong naitala sa buong taon.
Sa nakalipas na mahigit isang taon, ngayong lang ulit hindi nakaabot sa isang libo o nag-below 1,000 ang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ang mababang bilang ng mga kaso ngayong araw ay dahilan sa mababang bilang ng testing output sa bansa.
“The 849 new cases reported today is largely due to the weekly dip of testing output due to weekend encoding of positive cases to [COVID-19 Document Repository System],” ayon sa DOH.
“Last Sunday showed the lowest testing output this week.”
Pumalo na sa 2,819,341 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Mayroon namang 2,393 na gumaling at 99 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.9% (25,464) ang aktibong kaso, 97.5% (2,748,069) na ang gumaling at 1.62% (45,808) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 14, 2021 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
(NP)

The post Pinakamababang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 mula Enero 2021, naitala ngayong araw appeared first on News Patrol.
Pinakamababang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 mula Enero 2021, naitala ngayong araw
Source: Trending Filipino News
0 Comments