Nat’l Privacy Commission, ipatatawag ang mga telco tungkol sa kaduda-dudang job offers sa text

Ipinatatawag ng National Privacy Commission (NPC) ang mga telco providers ngayong linggo.

Kasunod ito ng pagkalat ng mga text message na nag-aalok ng umano’y mga kaduda-dudang trabaho.

Ilan sa mga text message na ito ay galing sa mga telephone number mula sa ibang bansa.

Posible umanong nakukuha ang mga impormasyon mula sa mga leaked data, partikular yung mga galing sa social media.

Nauna rito, nanawagan si Sen. Joel Villanueva, chairman ng senate labor committee, sa NPC na imbestigahan ang pag-aalok ng mga kaduda-dudang job offer sa text messaging.

“This is the new budol in town,” pahayag ni Villanueva.

Ayon pa kay Villanueva, isa itong uri ng paglabag sa data privacy law at kailangang maparusahan ang mga nasa likod ng ganitong scheme.

(NP)

The post Nat’l Privacy Commission, ipatatawag ang mga telco tungkol sa kaduda-dudang job offers sa text appeared first on News Patrol.



Nat’l Privacy Commission, ipatatawag ang mga telco tungkol sa kaduda-dudang job offers sa text
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments