Hati ang mga senador sa plano ng Deped na gamitin ang TikTok sa pagtuturo.
Suportado ni Senador Pia Cayetano ang paggamit ng TikTok sa pagtuturo, na siya ring nagdepensa sa budget ng Deped.
Maaari aniyang maging exciting at masaya ang pagtuturo sa mga kabataan .
Binigyang-diin ni Cayetano na hindi naman magiging pangunahing paraan ng pagtuturo ang TikTok, at sa halip ay magiging dagdag na teaching tool lamang.
Ayon sa senadora, posibleng maengganyo pa ang mga kabataan na maging guro rin sa pamamagitan ng TikTok.
Pero tugon ni senator Francis Tolentino, hindi niya nakikita ang pakinabang ng TikTok sa pagtuturo sa mga institusyon gaya ng law schools.
Tugon naman ni Cayetano, hindi lamang pagkanta at pagsasayaw ang magagawa sa TikTok dahil puwede ring mag-lecture dito na kaakibat ang graphics.
Nagbabala naman si senator Sherwin Gatchalian na chairman ng Senate Committee on Education dahil may ilang guro na nagka-problema matapos masita ng Deped dahil sa sobrang pagti-TikTok.
(Estrella Bueno)
The post Mga senador, hati sa plano ng Deped na gamitin ang TikTok sa pagtuturo appeared first on News Patrol.
Mga senador, hati sa plano ng Deped na gamitin ang TikTok sa pagtuturo
Source: Trending Filipino News
0 Comments