Mga biyahero mula sa red list countries na dumating sa bansa, lahat negatibo sa COVID-19 symptoms

Na-trace na ang lahat ng mga pasaherong dumating sa bansa noong November 28  mula sa Red list countries bago pa ang ipataw ang bagong restrictions ng Pilipinas.

Ayon sa Bureau of Quarantine (BOQ), lahat ng mga pasaherong ito ay walang sintomas ng COVID-19.

“So lahat po iyon na-trace natin, wala naman po tayong nakita na nagkaroon ng manifestation or signs na possible na may COVID sila,” sabi ni BOQ Deputy Director Dr. Roberto Salvador.

Nitong Linggo, November 28, ipinagbawal na pumasok sa bansa ang mga biyahero mula sa Red List countries bunsod ng Omicron variant ng COVID-19.

Pasok sa Red List ang 14 na bansa kabilang ang Austria, Czech Republic, Hungary, the Netherlands, Switzerland, Belgium, Italy, South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique.

Ang travel ban sa mga bansang nabanggit ay tatagal hanggang Disyembre 15.

Iginiit din ng mga eksperto na wala pa silang nade-detect na Omicron variant sa bansa.

Hindi pa alam kung saan nagmula ang Omicron variant pero ang mga siyentipiko mula South Africa ang unang nag-anunsyo nito.

(Toni Tambong)

The post Mga biyahero mula sa red list countries na dumating sa bansa, lahat negatibo sa COVID-19 symptoms appeared first on News Patrol.



Mga biyahero mula sa red list countries na dumating sa bansa, lahat negatibo sa COVID-19 symptoms
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments