Metro Manila mayors, pabor sa pagtatanggal ng face shields ayon sa MMDA

Pabor ang mga Metro Manila mayor na tanggalin na ang mandatory na paggamit ng face shields, maliban na lang sa critical areas, ayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, November 8.

“Napagkasunduan namin itong initial position ng Metro Manila mayors to do away with face shields,” ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo.

Ginawa ni Abalos ang pahayag pagkatapos na inanunsyo ng City of Manila na hindi na sila gagamit ng face shields.

Sinabi pa ni Abalos na magsusumite ang mga Metro Manila mayor ng kanilang posisyon sa pandemic task force tungkol sa kanilang posisyon sa pagtatanggal ng face shield.

Sinabi rin ni Abalos na suportado nila ang proposal ni Interior Secretary Eduardo Año na tanggalin ang na ang paggamit ng face shields bukod sa hospital setting.

Noong isang linggo, sinabi ng Department of Health na humihingi sila ng isang linggo para manawagan sa gobyerno na tanggalin na ang paggamit ng face shields.

Matatandaan na unang ni-require ng gobyerno ang face shields sa mga pampublikong lugar, kung saan ang Pilipinas ang tanging bansa sa mundo na gumawa ng utos dahil sa pandemya.

(NP)

The post Metro Manila mayors, pabor sa pagtatanggal ng face shields ayon sa MMDA appeared first on News Patrol.



Metro Manila mayors, pabor sa pagtatanggal ng face shields ayon sa MMDA
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments