Limitadong paggamit ng face shield, inirekomenda ng IATF kay Duterte

Inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang limitadong paggamit ng mga face shield.

Ito ay magdedepende sa itinakdang Alert Level sa isang lugar.

Sa ngayon, wala pang ibinibigay na karagdagang detalye ang DILG tungkol sa kanyang rekomendasyon sa face shield.

Ayon kay ayon kay Interior Secretary Eduardo Año,  may probisyon sa rekomendasyon na maaaring makapagdeklara ang mga alkalde ng mga Alert level.

“Ang masasabi ko lang ang rekomendasyon ng IATF ay tanggalin ang face shield except doon sa isang partikular na alert level  at saka may provision doon na local chief executive na puwedeng mag-impose sa certain alert level,” sabi pa ni Año sa interview ng Dobol B TV.

Samantala, inaasahan naman ngayong Lunes, November 15, mag-aanunsyo ang Pangulo ng kanyang desisyon ukol sa polisiya sa face shield.

(Toni Tambong)

The post Limitadong paggamit ng face shield, inirekomenda ng IATF kay Duterte appeared first on News Patrol.



Limitadong paggamit ng face shield, inirekomenda ng IATF kay Duterte
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments