Imbestigasyon sa PH drug war killings, pansamantalang sinunspinde ng ICC prosecutor

Pansamantalang sinuspinde ng prosecutor ng International Criminal Court ang imbestigasyon sa umano’y “crimes against humanity” sa madugong kampanya laban sa droga sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The prosecution has temporarily suspended its investigative activities while it assesses the scope and effect of the deferral request,” nakasaad sa ICC document na may petsang Nov. 18.

Sa sulat ni Philippine Ambassador to the Netherlands J. Eduardo Malaya kay Karim Khan, prosecutor ng ICC, hiniling niya sa international tribunal na ipagpaliban ang imbestigasyon sa drug war.

Nakasaad sa sulat ang commitment ng gobyerno sa due process.

Nabanggit din ni Malaya ang findings ng Department of Justice (DOJ) sa 52 kaso ng pagkamatay sa mga anti-narcotics operations sa bansa.

Ayon naman kay Khan, patuloy nilang pag-aaralan ang mga nakuhang data sa umano’y paglabag sa karapatang pantao ng Duterte administration.

Dagdag pa ni Khan, ipagpapatuloy ng kanyang tanggapan ang application sa Pre-Trial Chamber para sa pagsasagawa ng imbestigasyon para sa preservation ng mga ebidensya.

Matatandaan nitong August pinayagan na ng ICC Pre-Trial Chamber ang ICC Prosecutor para magsagawa ng imbestigasyon sa drug war killings sa Pilipinas.

(NP)

 

The post Imbestigasyon sa PH drug war killings, pansamantalang sinunspinde ng ICC prosecutor appeared first on News Patrol.



Imbestigasyon sa PH drug war killings, pansamantalang sinunspinde ng ICC prosecutor
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments