(Photo: Mores Heramis)
Nasunog ang ikalawang palapag ng Cuneta Astrodome sa F.B. Harrison street sa Pasay City kaninang umaga.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang alas 8:18 ng umaga sa ikalawang palapag ng nasabing gusali.
Umabot lamang sa unang alarma ang sunog sa Cuneta Astrodome.
Mag-aalas-11:00 naman ng umaga nang ideklarang fire out na ang sunog.
Nagtulong-tulong ang mga tauhan ng barangay at ng lokal na pamahalaan para maisalba ang mga bakuna, gamot at mga gamit na pwede pang mapakinabangan.
Ang Cuneta Astrodome ay ginagamit ding vaccination site ng Pasay City.
Hindi pa matukoy ng Bureau of Fire Protection o BFP kung ano ang dahilan ng nangyaring sunog sa bahagi ng Cuneta Astrodome.
Wala pa ring estimate ang BFP kung magkano ang nasirang ari-arian na nadamay sa sunog.
Dahil sa sunog, kinansela muna ang ikinakasang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga estudyante ng lungsod ng Pasay.
Wala namang naitalang nasaktan o nasugatan dahil sa nasabing sunog.
(Mores Heramis)




The post Ikalawang palapag ng Cuneta Astrodome, nasunog appeared first on News Patrol.
Ikalawang palapag ng Cuneta Astrodome, nasunog
Source: Trending Filipino News
0 Comments