Hindi bababa sa 15 patay sa anti-coup protests sa Sudan

(Photo courtesy: Al Jazeera English)

Hindi bababa sa labinlimang protesters ang patay matapos barilin ng security forces sa pinakamadugong araw ng demonstrasyon laban sa military rule sa Sudan.

Nagmartsa sa kabisera ng Khartoum ang mga raliyista laban sa October 25 military coup at hiniling ang pagbabalik ng kapangyarihan sa civilian authorities.

Gusto rin nilang iharap sa korte ang mga pinuno ng coup.

Batay sa ulat ng Reuters, ginamitan ng baril at tear gas ng security forces ang mga nagprotesta at pinutol ang komunikasyon sa lungsod.

“The coup forces used live bullets heavily in different areas of the capital and there are tens of gunshot injuries, some of them in serious condition,” ayon sa Central Committee of Sudanese Doctors sa Reuters.

Nagtayo naman ng barikada ang mga demonstrador.

Noong 2019, pinatalsik sa puwesto ang autocratic leader ng Sudan na si Omar al-Bashir, pero dahil sa naganap na coup nitong October 25, nabuwag ang transitional partnership sa pagitan ng militar at civilian coalition.

“We back (the Sudanese people’s) call to restore Sudan’s democratic transition,” ayon kay U.S. Secretary of State Antony Blinken.

(NP)

 

The post Hindi bababa sa 15 patay sa anti-coup protests sa Sudan appeared first on News Patrol.



Hindi bababa sa 15 patay sa anti-coup protests sa Sudan
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments