Europe sentro muli ng COVID-19 pandemic

Sentro muli ng COVID-19 pandemic ang Europe, dahilan upang pag-aralan ang muling pagpapatupad ng lockdowns sa ilang bansa.

Ayon sa ulat ng Reuters, mahigit kalahati ng average 7-day infections at halos kalahati ng COVID-19 deaths sa buong mundo ay sa Europe.

Ito ang pinakamataas na bilang simula April 2020 kung kailan sumipa sa pinakamalala ang pandemya sa Italy.

Nagbabala na si UK Prime Minister Boris Johnson sa gitna ng tumutumal na vaccination rates, gayong papalapit ang winter at flu season.

Pinag-aaralan na ng Netherlands, Germany, Austria at Czech Republic ang mga hakbang upang maabatan ang panibagong krisis.

Nag-anusyo na ng tatlong linggong partial lockdown ang Netherlands.

“The virus is everywhere and needs to be combated everywhere,” ayon kay caretaker Dutch Prime Minister Mark Rutte sa ulat ng Reuters.

Dagdag pa ng report, mataas pa rin ang vaccine hesitancy sa eastern Europe at Russia.

Ayon sa ulat, bukod sa bumabagal na vaccination rates, nagiging pabaya rin ang ilan sa health protocols gaya ng physical distancing at pagsusuot ng masks.

“If there’s one thing to learn from this it’s not to take your eye off the ball,” ayon kay Lawrence Young, isang virologist sa Warwick Medical School, sa panayam ng Reuters.

(NP)

The post Europe sentro muli ng COVID-19 pandemic appeared first on News Patrol.



Europe sentro muli ng COVID-19 pandemic
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments