Natanggap ng Pilipinas ang nasa 3.5 million Sinovac vaccines na binili ng gobyerno ng sa Beijing.
Dumating ang pinakabagong suplay lagpas ng 7 a.m. sa Ninoy Aquino International Airport.
Lulan ito ng Philippine Airlines flight PR361.
Sa huling datos, nasa 31.8 milyon na ng 109 million target population ang kumpletong bakunado na.
Sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 ikakasa ng gobyerno ang tatlong araw na National Vaccination Days kung saan target nitong makapagbakuna ng 15 milyong Pilipino.
Naaprubahan na rin ng Food and Drug Administration ang apat na vaccine brand (Pfizer, Moderna, AstraZeneca, at Sinovac) bilang booster shot.
Ngayong araw naman pwede nang tumanggap ang mga kumpletong bakunadong health care workers ng kanilang ikatlong turok ng bakuna laban sa COVID-19.
(Toni Tambong)
The post Dagdag na 3.5M doses ng Sinovac vaccine mula Beijing, dumating sa bansa appeared first on News Patrol.
Dagdag na 3.5M doses ng Sinovac vaccine mula Beijing, dumating sa bansa
Source: Trending Filipino News
0 Comments