(Photo courtesy: Screengrab from PTV FB)
Sinita ng Amerika ang China sa patuloy na lumalalang tensyon sa West Philippine Sea at nagbantang reresponde kapag nagkaroon ng armed attack sa pinag-aagawang teritoryo.
Kasunod ito ng panghaharang at pagbomba ng tubig ng mga barko ng China sa mga supply boat ng Pilipinas kamakailan.
“The United States stands with our ally, the Philippines, in the face of this escalation that directly threatens regional peace and stability,” ayon kay State Department spokesman Ned Price.
Ang nasabing pagharang at pagbomba ng tubig sa dalawang supply boat ng Pilipinas ay lalong nagpapalala sa tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
“[It] escalates regional tensions, infringes upon freedom of navigation in the South China Sea as guaranteed under international law and undermines the rules-based international order,” dagdag pa ni Price.
Mahigpit din niyang ibinabala na ang kahit anong “armed attack on Philippine public vessels” ay magpapabisa sa 1951 US-Philippines treaty kung saan inoobliga nito ang Washington na depensahan ang Pilipinas.
Nauna nang kinondena ng Pilipinas ang nasabing insidente.
Sa parte ng China, iginiit nito na nag-tresspass umano ang Pilipinas sa inaangkin nilang karagatan.
Dagdag pa ng China, nag-uusap na umano ang Maynila at Beijing ukol sa insidente.
(Toni Tambong)
The post Banta ng US sa China: Mapipilitang rumesponde kapag inatake ang Pilipinas appeared first on News Patrol.
Banta ng US sa China: Mapipilitang rumesponde kapag inatake ang Pilipinas
Source: Trending Filipino News
0 Comments