Bagong COVID-19 variant tinawag na Omicron ng WHO

Pinangalanang “Omicron” ng World Health Organization (WHO) ang nadiskubreng bagong COVID-19 variant sa South Africa.

Nauna itong tinawag na B.1.1.529.

“This variant has a large number of mutations, some of which are concerning. Preliminary evidence suggests an increased risk of reinfection with this variant as compared to other (variants of concern),” pahayag ng WHO.

Ayon sa WHO, ang impeksyon sa South Africa ay tumaas sa mga nakaraang lingo at nataon sa pagtuklas ng Omicron variant.

Ang Omicron, ang ikalimang COVID -19 variant.

“This variant has been detected at faster rates than previous surges in infection,” dagdag pa ng WHO.

Ang kasalukuyang PCR tests ay kayang ma-detect ang nasabing variant.

Dagdag pa ng WHO na ilang linggo pa bago matukoy kung gaano ka-epektibo ang mga bakuna laban sa Omicron.

Paalala pa ng organisayon na magsuot ng mask, iwasan ang malalaking pagtitipon, pahanginan ang mga silid at ugaliin ang paghuhugas ng kamay.

Matatandaang ilang mga bansa na tulad ng Britain, Israel at maging ang Pilipinas ang nagdeklara ng travel ban sa mga bansang may transmission ng bagong variant.

(Toni Tambong)

 

The post Bagong COVID-19 variant tinawag na Omicron ng WHO appeared first on News Patrol.



Bagong COVID-19 variant tinawag na Omicron ng WHO
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments