Naitala sa bansa ang panibagong Covid-19 cases na umabot ng mahigit sa 2,000.
Ayon sa Department of Health, mayroong 2,227 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw, November 21, 2021.
First time na umabot muli sa 2,000 ang Covid-19 cases makalipas ang labing-isang araw.
Huling naitala noong November 10 ang 2,646 na single day Covid-19 cases.
Umabot naman sa 2,826,410 ang kabuuang bilang ng nagkasakit sa bansa dahil sa Covid-19.
Mayroon namang naitalang 3,152 na gumaling at 175 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.7% (21,101) ang aktibong kaso, 97.6% (2,758,235) na ang gumaling, at 1.67% (47,074) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 19, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Dahil na rin sa pagtaas ng mga kaso ngayong araw, nagpaalala ang DOH na huwg maging kampante at maging mapagmatyag sa banta ng Covid-19.
Ugaliing sumunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag-physical distancing, at maghugas ng kamay.
Paalala pa ng ahensya, nakasalalay sa kilos ng bawat isa ang posibleng pagbaba o pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa susunod na mga araw.
(NP)

The post 2,227 na bagong kaso ng Covid-19 naitala ngayong araw, November 21 appeared first on News Patrol.
2,227 na bagong kaso ng Covid-19 naitala ngayong araw, November 21
Source: Trending Filipino News
0 Comments